top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Hindi tseke, in dollars binayaran ng TV host… P100 MILLION PLUS BAGONG RESORT NI WILLIE SA PUERTO GA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 15, 2019
2 min read

NA-MISS namin ang Wowowin host na si Willie Revillame dahil matagal-tagal na rin kaming hindi nakakadalaw sa show niya sa GMA-7. At kahit nu’ng Pasko at Bagong Taon ay hindi man lang namin siya napuntahan at napasalamatan nang personal sa malaking tulong na ibinigay niya nu’ng mamatay ang aking mister na si Darius Navida nu’ng July 15, 2018.

Kaya nang makatsikahan namin recently ang kanyang confidante-close friend na si Wheyee Lozada na PR manager ng Simply G Shampoo and Conditioner ay kinumusta namin si Kuya Wil.

Panay kasi ang post ni Wheyee sa Facebook ng mga bakasyon nila ni Kuya Wil sa bagong resort na nabili nito sa Mangrove Cove sa Puerto Galera kaya naintriga kami at tinanong namin siya kung magkano nabili ng Wowowin host ang bago niyang paboritong bakasyunan.

Sagot nito sa amin via FB private message, “Si Kuya, nasa Puerto Galera, 2 million dollars niya binili.”

Eh, di wow na wow! Winner talaga si Kuya Wil ‘coz kung iko-convert natin ‘yun sa peso, more than P100 million lang naman ‘yun, ha?!

At take note, dagdag na tsika pa ni Wheyee, “‘Yung helipad niya, pinatayuan niya ng bar. Ang sobrang sosyal,” sabay pakita sa amin ng ilang photos ng resort.

‘Yung mga furniture naman daw du’n ay puro high-end din at sa Italy pa binili ni Kuya Wil.

So, kung susumahin ‘yung pagkabili niya sa resort sa isang British owner — na ayon pa nga kay Wheyee, hindi tseke kundi in dollars pa binayaran ni Kuya Wil — aabot talaga ang halaga ng mala-paraisong resort na ‘yun sa P100-P150 million siguro.

Siyempre, dahil may kalayuan din ang Puerto Galera, by chopper ang pagpunta ru’n ni Kuya Wil kung saan lagi nga niyang kasama si Wheyee at ilang kaibigan.

Eto pa ang latest, may bago na namang luxury car na tina-target bilhin ang generous na TV host, pero dahil hindi pa final ang decision ni Kuya Wil, saka na namin isusulat.

Basta ang masasabi lang namin, super happy kami para kay Willie Revillame. Alam namin kung gaano kabuti ang kanyang puso kaya hindi talaga makukuwestiyon kung bakit bukod siyang pinagpala sa lalaking lahat!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page