top of page
Pokwang.jpg

Gustong malaman ang limitasyon hinggil sa pagsasara ng pawnshop

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 15, 2019
1 min read

Dear Chief Acosta,

Ako ay nagsanla ng alahas sa pawnshop dahil sa personal na pangangailangan noong isang taon. Subalit, sa pagpasok ng Baong Taon, biglaan na lamang itong nagsara nang walang anunsiyo. Nais kong malaman kung mayroon bang limitasyon ang batas hinggil sa pagsasara ng pawnshop? — Patricia

Dear Patricia, Para sa inyong kaalaman, ang batas na angkop sa inyong katanungan ay ang Presidential Decree No. 114 (P.D. No. 114) o mas kilala sa tawag na Pawnshop Regulation Act kung saan ang pagpapairal nito ay matatagpuan sa Manual of Regulations for Non-Bank Financial Institutions ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Sa Section 4182P ng nabanggit na regulasyon, maliwanag na isinasaad na:

“Section 4182P – Closing or Transfer of Business — No pawnshop shall close within three (3) months following the maturity of any loan or pledge, or before any pawn shall have been sold or disposed of as provided for under existing regulations. xxx” [Binigyang-diin.]

Kaya kinakailangang nag-expire muna ang tatlong (3) buwan mula nang mag-mature ang huling tinanggap na sanla ng pawnshop bago pa man ito magsara. Ang paglabag sa panuntunang ito ay maaaring mapanagot ng pagmumulta at pagkakakulong, ayon sa Section 18 ng PD 114 na siyang hindi magiging balakid sa personal na pananagutan sa iba pang kasong kriminal.

Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page