top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Assistant ng Governor, niratrat ng riding-in-tandem

Jeff Tumbado
Jan 15, 2019
1 min read

PATAY makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem ang dating executive assistant ng yumaong gobernador ng Surigao del Sur, kahapon ng tanghali.

Nakilala ang biktima na si Ritchie Luna Lisondra, na agad binawian ng buhay sa mismong lugar ng pananambang sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon kay PO1 Melvin Pasco, naganap ang insidente alas-11:50 ng tanghali sa Purok Tambis, Bgy. Purisima, Tago, habang nakikipag-usap ang biktima sa kanyang pinsan at kapitbahay sa kalsada.

Huminto umano ang mga suspek na sakay ng motorsiklo kung saan binati pa muna ito bago pinagbabaril.

Blangko pa ang mga awtoridad sa motibo sa pagpatay sa biktima na nagsilbing kanang kamay ng yumaong si Governor Vicente Pimentel.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page