top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

2 Tulak utas sa parak

Maeng Santos
Jan 15, 2019
1 min read

DEDO ang dalawa sa tatlo umanong notoryus na drug peddlers matapos mauwi sa barilan ang ikinasang buy-bust operation sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni Caloocan Police Community Precinct-3 Commander Chief Insp. Raymond Nicolas ang mga suspek na sina alyas Bert at Nad na hindi na umabot ng buhay sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa kanilang katawan habang si alyas Boy Negro ay tinutugis pa ng pulisya.

Ang mga suspek ang sinasabing supplier ng iligal na droga sa Bagong Silang na naging dahilan upang ikasa ng pinagsamang mga operatiba ng Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at PCP-3 ang buy-bust operation kontra sa mga ito alas-12:45 ng hatinggabi sa Phase 8A, Road Package 7, Bgy. 176.

Nang iabot nina PO1 Ariel Conseja at PO1 Rynan Ricomano na nagpanggap na mga poseur-buyer ang P2,000 marked money kapalit ng isang pack ng shabu, napansin ng mga suspek na mga undercover police ang kanilang katransaksiyon kaya bumunot ang mga ito ng baril at pinaputukan ang mga operatiba.

Gumanti ang mga pulis hanggang sa tamaan sa katawan ang dalawa sa mga suspek na agad isinugod sa naturang pagamutan habang nakatakas naman ang kanilang kasama.

Narekober ang dalawang cal. 38 revolver, anim na plastic sachets ng shabu, ilang drug paraphernalias at P2,000 buy-bust money.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page