top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

‘Filipino First Policy’ ni ex-P-Garcia, ginaya ng Amerika, he-he-he!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 15, 2019
2 min read

IMPORTED goods, patawan ng taripa.

‘Yan ang tama!

◘◘◘

Tumatatag ang ekonomiya ng U.S. mula nang ideklara ang world trade war kontra China.

Bago ito ideklara, nagko-compute ang financial advisers ni U.S. President Donald Trump.

Natuklasan nilang teknikal na babagsak ang China at sila ang makikinabang!

◘◘◘

Naiwan sa pansitan ang mga Tsino at kahit sino ang tanungin, agrabiyado ang China sa naturang digmaan.

Matematiks at estatistika ang ekonomiya at matapos masuri ang datos pinatawan ng taripa ang mga produkto mula China!

◘◘◘

Kung normal ang sitwasyon binabaha ng mga produkto ng China ang buong mundo, pero ang pinakamalaking bulto ay pumapasok sa U.S.

Huli sa wetpu ang China na inaasahang babagsak ang ekonomiya sa mga susunod na dekada!

◘◘◘

Kung nanghimasok ang Russia sa huling presidential elections, walang duda, makikialam na rin ang China sa susunod na presidential election sa U.S. upang masibak si Trump sa White House.

Sa Pilipinas, bumabaha rin ang produktong “made in China”, sakaling masibak sa Malacañang si Pangulong Duterte, maaaring patawan din ng taripa ang lahat ng produkto ng China.

◘◘◘

Kaylaking buwis ang makokopo ng gobyerno at tiyak na aangat ang ekonomiya ng Pilipinas.

Pero, sinong pangulo ang magpapataw ng taripa sa produktong Tsino?

◘◘◘

Imbes kasi patawan ng buwis ang mga Pinoy, ang mga produktong mula sa ibang bansa ang dapat patawan.

Halimbawa, palayain ang imported rice, pero dapat patawan ng taripa!

◘◘◘

Dapat ding patawan ng taripa ang mga imported meat, imported vegetables at iba pang produkto na iniaangkat mula sa China.

Maganda ang taktika ni Trump at natutuwa ang mga Kano.

◘◘◘

Hindi sila nagsisisi sa pagkakaboto kay Trump, dahil nakabangon ang U.S. economy dahil sa America First Policy ni Trump .

Sa totoo lang, kinopya lang ito roon sa Filipino First Policy ni dating Pangulong Carlos Garcia ng Pilipinas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page