top of page

Worried sa madalas na pamamawis ng kanyang mga kilikili

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 14, 2019
  • 1 min read

Dear Doc. Shane,

Bakit hindi pare-pareho ang mga tao pagdating sakanilang katawan? May kilala ako na halos hindipinagpapawisan kahit gaano kainit ang panahon,samantalang, ako grabe kung pagpawisan, lalo na saaking underarms. Normal lang ba ito, ano ang mainamna gawin para rito? — Kris

Sagot Ang pagpapawis ng mga kilikili ay kondisyon na nararanasan ng maraming tao.

Ang tawag dito ay hyperhidrosis.

Narito ang mga paraan na maaaring makatulong: Gumamit ng antiperspirant na deodorant — ito ang pinakasimpleng solusyon. Tingnang mabuti sa produkto kung ito ay antiperspirant. Maaari itong gamitin sa araw at gabi. Tiyaking tuyo ang balat bago ito i-spray o i-apply.

Iwasan ang maaanghang na pagkain — ito ay nakapagdudulot ng sobrang pagpapawis.

Magsuot ng mas maluwang na damit — mainam kung cotton ang telang isusuot. Tandaan din na mas nahahalata ang pawis sa mga makulay na damit kaya piliin ang kulay puti.

Maaari ring subukan ang ilang ‘home remedy’ tulad ng mixture ng baking soda at konting tubig, ipahid ito sa kilikili.

Panatilihin ang mixture rito ng 20 minuto bago banlawan.

Maaari itong makatulong dahil pinabibilis nito ang ‘evaporation’ o pagkatuyo ng pawis.

Kapag ang mga nabanggit ay hindi pa rin tumalab, magpatingin na sa dermatologist o iba pang doktor na maaaring magreseta ng antiperspirant at iba pang maaaring lunas para sa sobrang pamamawis ng kilikili tulad ng “botox treatment”na isinasagawa ng ilang dermatogist.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page