top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Tserman at misis in-ambush

Jeff Tumbado
Jan 14, 2019
1 min read

PATAY ang dating barangay chairman habang sugatan naman ang kinakasama nito sa nangyaring pananambang ng riding-in-tandem sa Subic, Zambales umaga ng Linggo.

Nakilala ang pinatay na si Rogelio Cabral, dating kapitan ng Bgy. Asinan Poblacion habang sugatan naman sa ligaw na bala ang live-in partner nito na si Rose Beato na nagtamo ng bala sa kanyang balikat.

Nabatid sa inisyal na report kay Police Sr. Inspector Joan Sibayan, sakay umano sa motorsiklo ang biktima kasama si Beato nang sundan sila ng dalawang lalaking lulan din ng walang plakang motorsiklo.

Pagsapit umano sa Purok 6, Bgy. Calapandayan ay dito na sila sinabayan ng riding-in-tandem at pinagbabaril si Cabral.

Bago pa tumakas sa direksiyon ng lalawigan ng Zambales ay bumaba muna ang angkas na salarin at binaril pa nang malapitan si Cabral na nakasubsob na sa kalsada.

Isinugod ng kanyang kinakasama at iba pang saksi ang biktima sa Our Lady of Lourdes Hospital sa Bgy. Barreto, Olongapo City subalit, dead-on-arrival na ito.

Nagpapagaling naman sa ospital si Beato habang tinutukoy pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspek at kung politika ba ang motibo sa krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page