This is it! PRAMIS NI DENNIS: KASAL, 'DI NAMIN ITATAGO NI JENNYLYN SA MADLANG PIPOL

BIG blessing kay Dennis Trillo ang Best Actor award sa 2018 MMFF for the movie One Great Love lalo’t hindi niya expected. Parang lalong sumipag ang aktor na magtrabaho, kaya kahit walang bakasyon noong Kapaskuhan dahil sa taping ng Cain at Abel, wala siyang reklamo.
Lalo pang sumipag sina Dennis at Dingdong Dantes sa Cain at Abel dahil isinama sila sa Creative team ng action drama series. Kasama sila sa meeting at nakakapag-suggest ng mga eksenang mas makakaganda sa show.
Pati yata sa action scenes, may output sila at nagsa-suggest kay Direk Toto Natividad at sa mga fight instructors na sina Val Iglesias at Boy Roque. Sa drama scenes, si Don Michael Perez ang nagdidirek. Mas matindi raw ang action scenes sa mga susunod na episodes at mas makikita ang bagsik niya bilang big time killer.
Sa tanong kung ano ang gusto niyang ending ng Cain at Abel, “Based sa title na Cain at Abel, umiikot sa magkapatid ang story, ayaw kong mag-spoiler, pero gusto ko, maayos lahat ang differences ng magkapatid na Daniel (Dingdong) at Elias (Dennis). Magkaayos silang dalawa at mamuhay nang maayos,” sagot ni Dennis.
Pagkatapos ng Cain at Abel, pelikula ang gagawin ni Dennis. May apat siyang scripts na babasahin, magpo-promote ng Mina-Anud at tatapusin ang On The Job2.
Sa August, sasamahan niya si Jennylyn Mercado na sasali sa 2019 Hokkaido Marathon na gagawin sa Sapporo, Hokkaido sa Japan. Hindi siya sasali sa marathon, magtsi-cheer lang siya.
Kay Dennis namin nalamang na-late si Jennylyn sa registration sa Berlin Marathon, kaya sa ibang marathon na sasali. Sa August na ang Hokkaido Marathon, magiging busy si Jennylyn sa training.
Sa mga nagtatanong kung hindi ba sila nape-pressure ni Jennylyn sa mga tanong kung kailan sila magpapakasal, “Hindi naman kami nape-pressure, may plano na kami, pinag-usapan na namin, pero ‘di namin minamadali.
Hindi pa rin ako nagpo-propose at kung ayaw naming ipaalam ‘yun, hindi n’yo malalaman. Pero ‘di namin itatago. Kung this year ang proposal, wala pa, hindi ko pa masabi,” sagot ni Dennis.
Samantala, may mall show sina Dennis, Dingdong, Sanya Lopez at Solenn Heussaff sa January 19 sa Atrium ng Robinsons Galleria Cebu.





Comments