SCHRODER, SUMAMBULAT SA THUNDER, 44 PTS. NI GRIFFIN, NAMAHIYA SA CLIPPERS


NAKAPAGTALA si Dennis Schroder ng natipong 19 puntos sa second half upang iangat ang Oklahoma City Thunder para pahiyain ang San Antonio Spurs, 122-112 sa NBA game sa Oklahoma City kahapon.
Nakatulong sa kanya sa natipong 24 puntos, 10 points at 8 assists si Russel Westbrook para sa Oklahoma City na nakaresbak nang maitala ang 154-147 na pagkatalo sa double-overtime game laban sa Spurs noong Biyernes. Nakaariba rin nang husto sa panalo ng Thunder ang 48 points na nasungkit ng mga reserves. Ang kanilang panalo ang nagwakas para sa Thunder ng kanilang three-game losing streak. Samantala, nasayang naman para sa Spurs ang 18 puntos ni DeMar DeRozan.
Samantala, sa Los Angeles, nakatipon ng 44 points si Blake Griffin sa kanyang paglaro sa Staples Center sa unang pagkakataon laban sa dating koponan at tinalo ng Detroit Pistons ang Los Angeles Clippers, 109-104.
Sa pagwawagi ng Pistons, natigil na nila ang kanilang four-game skid.
Nagtapos na may 20 points at 21 rebounds si Andre Drummond para sa pagwawagi ng team. (MC)





Comments