PERKINS, 43RD PBA ROOKIE OF THE YEAR, BATON NG PBA SA PIG YEAR NI MARCIAL


ITINANGHAL si Jason Perkins ng Phoenix Fuel Masters bilang Rookie of the Year ng PBA 43rd season. Si Perkins, dating De La Salle University standout ay napili na 4th overall sa 2017 PBA Rookie Draft ng Fuel Masters. May averaged siyang 12.1 points at 6.6 rebounds per game sa unang taon sa liga.
Nanaig siya sa kapwa Lasallian na si Jeron Teng ng Alaska Aces para sa top rookie honors, maging kina Magnolia’s Robbie Herndon, Blackwater’s Raymar Jose at Rain or Shine’s Rey Nambatac. Pormal na tinanggap ni Perkins ang tropeo sa Leo Awards na idinaos sa Philippine Arena kahapon kasabay ng 44th PBA Philippine Cup Opening.
Hindi naging eligible sina San Miguel’s Christian Standhardinger at NLEX’s Kiefer Ravena ang top two picks sa 2017 draft, para sa naturang award dahil hindi nila naabot ang minimum na bilang ng mga laro na kailangan.
Samantala, ang 2019 Year of the Pig, ayon sa Chinese calendar ay ang taon na gaganap si Willie Marcial na full time PBA Commissioner.
Ang tanong, mananatili kaya si Marcial bilang Commissioner at pantayan ang mahabang panunungkulan nina Leo Prieto, Rudy Salud at Jun Bernardino? Di kaya siya matulad kay Noli Eala at Narvasa na hindi man lamang nag-init sa upuan at maagang nilisan ang liga.
Ang 2019 season ang determining factor sa kanyang kakayanan bilang Commissioner kung saan patatakbuhin niya ang liga tulad ng isang Kapitan sa barko. Ang tagumpay ng PBA ay nakasalalay sa kanyang balikat at umaasa ang mga team owners na pulido niyang mapapatakbo ang liga mula nang hinulma ang torneo.
Ayon sa isang die-hard PBA fan, bigyan daw ng sapat na panahon si Marcial na patunayan ang kahalagahan niya bilang epektibong administrador ng liga at kunin ang tiwala at kumpiyansa ng team owners bago siya husgahan. “It’s too early to judge. Let’s give him the chance to run the league before passing the judgement on him,” sabi ng isang masugid na PBA fan.
(Clyde Mariano/MC)





Comments