top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Ninja cops, 'di maubus-ubos, buwisit!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 14, 2019
1 min read

IBINISTO na ni P-Digong ang ninja cops.

Pero, kapos siya sa paliwanag!

◘◘◘

NAGKAKABULGARAN na.

Pokus na sa isinasagawang pagdinig sa Kongreso ang nagkalat na ninja cops!

◘◘◘

Maraming police officers ang inaakusahang nagreresiklo ng droga na nakukumpiska.

Sila ay binansagan ni P-Digong na “ninja cops”!

◘◘◘

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang mga pulis na ibinunyag na ang mga pangalan kung may katotohanan ang akusasyon laban sa kanila.

Umabot na sa hindi inaasahang antas ang impluwensiya ng illegal drugs sa bansa.

◘◘◘

Nagagamit nang proteksiyon at pantakip sa modus ng mga tiwaling personalidad ang mga lehitimong law enforcement operation.

Ito ang pinatunayan ng report na galing mismo kay P-Duterte kung saan sangkot ang mga law enforcer na konektado sa iba’t ibang organisasyon na binuo ng Philippine National Police para sugpuin ang nakaaalarmang korupsiyon sa mga drug law enforcement.

◘◘◘

Masasabing mayroong mabuting hangarin ang mga nabuong organisasyon sa PNP para sa anti-drug operation.

Pero, dahil ang mga naitatalagang tao ay pareho lang na kinain ng sistema ng pagiging ganid sa pera ay nakabuo pa ng network sa buong bansa imbes na masugpo ang problema!

◘◘◘

Base sa inilabas na report, mayroon umanong matrix kung saan nakasaad ang pangalan ng mga personalidad at PNP official kabilang ang isang police senior superintendent na siyang pinuno.

Nasa ilalim nito ang isa umanong police senior superintendent at isang taga-PDEA.

Pero, marami pa sa lihim na listahan!

◘◘◘

BILIB kay P-Digong ang mamamayan kasi seryoso siya sa paglaban sa illegal drugs.

Ang target ay hindi lang ordinaryong mamamayan kundi maging ang mga pulitiko at ang mga police officer.

Ngayon lang ito nasasaksihan sa bansa!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page