MRT 3, pumalpak na naman
- Gina Pleñago
- Jan 14, 2019
- 1 min read

MULI na namang nagkaaberya ang Metro Rail Transit (MRT) 3, kahapon ng hapon.
Sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), aabot sa 350 pasahero ang pinababa mula sa northbound train sa Ortigas Station alas-2:34 ng hapon. Paliwanag ng ahensiya, kaugnay ito ng electrical failure sa kanilang motor. Agad namang naisakay ang mga pasahero sa sumunod na tren na dumating matapos ang isang minuto.
Sa ngayon, nagsagawa na ng preventive maintenance at pinalitan na ang electrical components ng nagkaaberyang tren.





Comments