top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mamahaling gamit, cash tinangay | BEBOT NA TIRADOR NG CLINIC, GUMAGALA

  • Gina Pleñago
  • Jan 14, 2019
  • 1 min read

TINATAYANG aabot sa P300,000 ang nakulimbat ng isang babaeng miyembro ng umano’y Salisi Gang, ang mga tseke, mamahaling gamit, cash, gadget at iba pa sa isang negosyante sa loob ng clinic sa Muntinlupa City, kamakalawa ng hapon.

Halos manlumo nang dumulog sa himpilan ng Muntinlupa City Police ang biktimang si Suzette Lavin, 44, upang ireklamo ang nangyaring pagnanakaw.

Patuloy pang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng babaeng suspek. Base sa ulat, alas-5:44 ng hapon nang mangyari ang pananalisi sa loob ng Medicard Clinic Wellness Lane, sa ikatlong palapag ng Festival Mall, Bgy. Alabang, Muntinlupa City.

Sinasabing nalingat sandali ang biktima at bigla na lamang nawala ang assorted checks na nagkakahalagang P150,000; bag na halagang P100,000; P20,000 cash; iPad na P13,000; bank deposit slip para sa bayad sa AOFOG na P15,800, mga ATM card, credit card, flash drive at receipt booklet.

Sinusuri naman ng awtoridad ang kuha ng CCTV camera sa lugar upang matukoy ang pagkakakilanlan ng babae at kung ito ay may mga kasabwat.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page