HERNANDEZ AT RAQUEL JR., SINUSPINDE NG MMTCI
- Green Lantern
- Jan 14, 2019
- 1 min read

IPINAKITA at ipinaramdam ng pamunuan ng Metro Manila Turf Club Inc.,(MMTCI) sa mga hinete na “nagwawalanghiya” sa kanilang sakay makaraang patawan ng tatlong buwang suspensiyon ng Board of Steward sa Malvar,Batangas.
Inilabas nang pamunuan ng MMTCI ang suspensiyon kina Star Jockey Jonathan Hernandez at Fernando M. Raquel Jr. matapos mapatunayan na sadyang kinahon ang kanilang mga sakay ng karera na naganap noong Enero 2 at 7.
Ayon sa MMTCI management ang pagpapataw ng suspensiyon sa dalawang hinete ay upang ipakita sa publiko na hindi nila palalampasin ang ganitong mga pangyayari sa oras ng laban.
Ang MMTCI ay pinatatakbo ng bagong management at sinasabing pawang horse owner.
Nais ding ipatupad ng MMTCI ang parehas na laban at pagkakaloob ng premyo sa mga kabayo na kalahok sa kanilang karera. Ang pagpapataw ng suspensiyon ay pagpapakita ng pamunuan ng proteksiyon sa mga mananaya.
Samantala,maganda ang kinalabasan ng pagbibigay pabuya sa mga kabayong nananalo sa grupong kanyang kinabibilangan. Naipakita din ng MMTCI ang epektibong paglalaan ng premyo sa mga kabayo sa tulong ng Philippine Racing Commision (PHILRACOM).
Binabati ko nga pala ang mga karerista sa Quiricada St., ang “Sunog Baga Boys” na pinamumunuan ni Boy Pilay sa pagkakapanalo sa Winner-Take-All ng grupo na nagbigay ng debidendo na P28,729. at 2nd WTA ng P10,592.





Comments