top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Ayaw makipagbalikan | BEBOT KINATAY NG EX

Mylene Alfonso
Jan 14, 2019
1 min read

PATAY ang 38-anyos na babae makaraang pagsasaksakin ng kanyang dating ka-live-in nang tumangging makipagbalikan sa huli, kamakalawa ng hapon sa Tondo, Manila.

Dead-on-arrival sa Ospital ng Tondo, ang biktimang si Janet Santos, residente ng Daang Bakal, Tondo, Manila sanhi ng mga tama ng saksak sa katawan.

Habang namatay din ang suspek na si Patrick Francisco Ramos, 62, ng Laong Nasa St., Tondo, Manila na unang tumakas matapos isagawa ang krimen dahil sa matinding pananakit ng tiyan.

Isinugod umano ang suspek sa Ospital ng Tondo, alas-8:24 ng gabi pero, hindi ito naisalba ng mga doktor.

Isinasailalim pa sa awtopsiya ang bangkay ng biktima para matukoy kung ano ang ikinamatay nito.

Batay sa imbestigasyon ni SPO1Jorlan Taluban, ala-1:00 ng hapon nang mangyari ang insidente habang naglalaba ang biktima sa kanyang bahay.

Dumating umano ang suspek at hinikayat ang biktima na makipagbalikan sa kanya pero tumanggi ito at nang talikuran ang suspek, bumunot ito ng patalim at sinaksak ang biktima sa likurang bahagi ng katawan.

Humarap umano ang biktima pero, patuloy itong pinagsasaksak hanggang sa bumagsak. Agad tumakas ang suspek bitbit ang patalim na ginamit sa biktima.

Isinugod naman ng ilang kapitbahay ang biktima sa pagamutan ngunit, hindi na naisalba ng mga doktor.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page