top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Tulak utas sa parak

Maeng Santos
Jan 13, 2019
1 min read

DEDO ang drug suspect na source umano ng iligal na droga sa Bgy. Gen. T. De Leon matapos mauwi sa barilan ang ikinasang buy-bust operation habang arestado naman ang kanyang kasama sa Valenzuela City, kahapon ng madaling-araw.

Dead-on-arrival sa Valenzuela Medical Center sanhi ng tama ng bala sa katawan si Roger Pennelleri alyas Mayor, ng Sitio Cabatuhan, Bgy. Gen. T. De Leon habang arestado naman ang kasama nito na si Anthony Carvajal, 33.

Ayon kay Valenzuela Police Chief Senior Supt. David Nicolas Poklay, alas-2:30 ng madaling- araw nang isagawa ng mga operatiba ng SDEU ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa Sitio Cabatuhan kung saan nagpanggap na poseur-buyer si PO1 Maverick Jake Perez at nagawang makabili sa mga suspek ng isang sachet ng shabu kapalit ng P300 marked money.

Nang magbigay ng signal si PO1 Perez sa kanyang mga kabaro, agad lumusob ang back-up na mga operatiba subalit, napansin sila ni Pennelleri kaya naglabas ito ng baril at pinaputukan ang mga ito na naging dahilan upang gumanti si SPO1 Roberto Santillan.

Ani Senior Supt. Poklay, narekober sa nasawi ang cal. 38 revolver, 13 transparent plastic sachets na naglalaman ng hindi pa matukoy na halaga ng shabu, buy-bust money at cash na pinaniniwalaang napagbentahan ng droga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page