top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Stun guns, pepper spray, teargas etc. nakita sa bagahe | ESTUDYANTENG PINOY, TIKLO SA HONG KONG

Gina Pleñago
Jan 13, 2019
1 min read

ARESTADO ang estudyanteng Pinoy na patungo sana sa Canada nang makumpiska sa bagahe nito ang mga armas na pang-self-defense tulad ng teargas sa airport ng Hong Kong nitong Enero 8.

Nagpaalala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga biyaherong Pinoy patungong Hong Kong na huwag magdadala ng iligal na bagay.

Paalala ito ng Philippine Consulate General sa Hong Kong makaraang mahuli ang Pinoy student makaraang makuhanan sa check-in luggage nito ng mga stun gun, pepper spray, teargas, extendible baton, flick knives at knuckledusters na itinuturing na mga dangerous weapon sa bansa.

Kapag wala aniyang permit sa pagdadala nito ay ang parusa rito ay may multang HK$100,000 at maximum sentence na limang taong pagkakulong.

Ayon kay Consul General Morales, ang naturang estudyante ay patungo sana ng Canada nitong Enero 8 at pinayagan lamang ito ng Hong Kong authorities na makaalis nitong Enero 11 matapos itong bigyan ng legal assistance ng Consulate General.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page