SINO ANG MANANAIG SA PBA PHL CUP SA YEAR OF THE PIG?


MATAPOS ang dalawang buwan na pahinga ng 2018 season, muling babalik ang PBA para ipagpatuloy ang mainit na labanan sa hardcourt sa pagsisimula ng 2019 44th Philippine Cup tampok ang laro ng Barangay Ginebra at mortal na karibal Talk ‘N Text KaTropa ngayong gabi sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Ito ang ikalawang beses na gagawin ang opening game sa arena na kinulayan ng beauty queen sa pangunguna ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach, kasama si Sharon Cuneta, sports personality volleyball superstar Alyssa Valdez at swimming wonder Jasmine Alkhaldi bilang muses ng 12 kalahok na teams sa pangunguna ng defending champion San Miguel Beermen.
Maghaharap ang Kings at TNT ng 6:30 p.m. matapos ang makulay na opening ceremony na dadaluhan ng top officials sa pangunguna ni PBA Chairman at POC president Ricky Vargas, Commissioner Willie Marcial at Board of Governors sa temang “Still Strong at 44” bilang wholesome family entertainment.
Igagawad din ang 43rd Season Leo Awards sa manlalaro na may natatanging angkin galing sa basketball. Sisimulan ng SMB ang title retention campaign sa Enero 18 kontra rejuvenated at energized Columbian Dyip ng 4:30 p.m. bago ang sagupaan ng Rain or Shine at NLEX ng 7 p.m. sa Cuneta Astrodome, matapos ang laro ng Blackwater Elite at North Port Batang Pier at Phoenix at Meralco Bolts sa Enero 16 sa Araneta Coliseum.
Kinuha ng kulelat na Columbian Dyip si top rookie CJ Perez at apat na bagito kabilang si JRU hotshots Bernabe Teodoro para umangat sa standings at alisin ang tatak “perennial tail-ender” kung saan tumapos lang and car makers sa kartang 1-10 at isang panalo sa Rain or Shine.
Ang kulot na si Perez ay naging back-to-back MVP sa NCAA at dinala ang Lyceum Pirates sa dalawang beses na runner-up. Kung may mga teammates si Perez na kasinggaling niya malamang na nagkampeon ang Intramuros-based Pirates at nawakasan ang pagdomina ng San Beda Red Lions. Dinomina ng SMB, Barangay Ginebra at Magnolia Hotshots ang 2018 season at sinungkit ng Hotshots ni coach Ercito “Chito” Victolero ang season-ending Governor’s Cup kontra Alaska Aces ni coach Alex Compton sa best-of-seven finals. Sinabi ni Vargas na ang 44th season ay magiging makabuluhan at puno ng excitement dahil sa pagpasok ng napakaraming rookies. “I assure PBA fans around the archipelago this year’s PBA season will be exciting and interesting to watch. This year is loaded with better financial performance.”
(Clyde Mariano/ATD)





Comments