Pasahero ng MRT, arestado sa bomb joke

ARESTADO ang isang pasahero ng Metro Rail Transit (MRT) 3 dahil sa bomb joke.
Sa inisyal na impormasyon mula sa MRT-3, alas-10:30 ng umaga kahapon nang isang lalaking pasahero ang nagbitiw ng bomb joke habang sumasailalim sa bag inspection.
Nagpumiglas pa umano ang lalaki nang huhulihin na ito.
Agad dinala ang naturang pasahero sa Police Detachment sa Shaw Boulevard Station. Sa kasalukuyan, ipinaiiral ang Presidential Decree 1727 o kilala sa tawag na “Anti-Bomb Joke Law”.





Comments