Nagpanumpa kay VP Leni | TSERMAN TINULUYAN SA ADULTERY

INARESTO ang tserman ng Bgy. Punta Tarawal, Calabanga, Camarines Sur kaugnay sa kasong adultery.
Sa panayam kay Police Chief Insp. Dino Ben Regazpi, isinilbi nila ang warrant of arrest kay Chairman Ronaldo Coner, 55, kaugnay sa kinahaharap nitong kasong adultery sa MRTC Magarao-Canaman, Camarines Sur.
Hindi muna inilahad ni Regazpi kung sino ang accuser para na rin maingatan ang privacy nito. Agad namang nakalaya ang barangay official matapos magpiyansa ng P8,000.
Matatandaang, si Coner ang punong barangay na nagpanumpa kay Vice-President Leni Robredo sa inagurasyon nito bilang ika-14 bise-presidente ng bansa noong Hunyo 2016.





Comments