Mga website na kinukuhanan daw ni Mocha ng fake news, ban na sa FB?!

IMBES KAMPIHAN ANG COA AT CHR, BINU-BULLY PA RAW NG PANGULO — Ang Commission on Audit (COA) ay kontra sa paglustay sa pondo ng bayan kaya binubusisi nito kung tama o mali ang paggasta ng mga public official sa pera ng bayan na nasa kanilang mga tanggapan.
Ang Commission on Human Rights (CHR) ay kontra sa pang-aabuso ng mga taong-gobyerno sa mamamayan.
Imbes gawing kakampi at suportahan ng pangulo ang COA at CHR, eh, binu-bully pa, boom!
♦♦♦
“BATA” NI P-DUTERTE, FEELING HARI — Para lang makadyinggel ay walang pahintulot umanong lumapag ang chopper ni Presidential Assistant for the Visayas Michael Diño sa Ultra Philippine Sports Complex sa Pasig City na naglagay sa peligro sa buhay ng mga batang mag-aaral na may sports activity sa sports complex na ito.
‘Yan ang asal ng mga tao ni P-Duterte, feeling “hari” at walang pakialam kung makadidisgrasya sila ng mga bata, buwisit!
♦♦♦
ANG LAKI NG PROBLEMA NI MOCHA KASI ANG WEBSITE NA KINUKUNAN NIYA NG FAKE NEWS AY BAN NA SA FB — Ban na sa Facebook ang website na Trending News Portal (TNP) na siyang pinagkukunan daw ng fake news ni ex-PCOO Asec. Mocha Uson na ipinu-post niya sa kanyang Facebook account na “Mocha Uson Blog”.
Kung ganu’n, ang laki pala ng problema ngayon ni Mocha kasi wala na siyang pagkukunan ng “fake news” para gawing mangmang ang DDS na followers ng kanyang FB account, he-he-he!
♦♦♦
NAGSABIT KAY LAPEÑA SA P11 BILYONG SHABU SMUGGLING, IBINALIK NI GUERRERO BILANG HEPE NG BUREAU OF CUSTOMS X-RAY DIVISION — Ang sinibak ni ex-Bureau of Customs Comm. Isidro Lapeña na si ex-Bureau of Customs X-ray Division Chief Atty. Lourdes Manaoang na nag-whistleblower at nagbulgar na may kinalaman umano ito (Lapeña) sa P11 bilyong shabu smuggling na naipuslit sa Adwana ay muling itinalaga ni BOC Comm. Rey Leonardo “Jagger” Guerrero bilang hepe ng BOC X-ray Division.
Pihado, umuusok sa galit si Lapeña kasi lumalabas na parang naniwala si Guerrero sa mga alegasyon ni Manaoang kaya itinalaga ulit ito bilang BOC X-ray chief, boom!





Comments