Mga Pinoy, imbes bumili ng pagkain, load sa CP ang inuuna, hmmm...

MAY nagsasabi na dumarami ang mahihirap.
Lipas nang ulat ‘yan!
◘◘◘
INILABAS kamakailan na mayorya ng mga Pinoy ay nagsasabing sila ay kabilang sa mga naghihirap.
Hindi masyadong espesipiko ang ganyang datos!
◘◘◘
Maililihis ang reyalidad o katotohanan sa paligid kapag pinaniwalaan natin ang resulta ng mga survey.
Ano ba ang mahirap?
Ano ba ang batayan para sabihin ng tao na siya ay mahirap?
◘◘◘
Sa Pilipinas, ang mga basurero, kasambahay o atsay ay karaniwang may selpon.
Maging ang mga tambay o walang trabaho ay may tigalawang units ng selpon!
◘◘◘
Kapag ba may selpon ay maaaring tawaging mahirap o tawaging “may kaya”?
Maraming adik sa selpon at gadgets!
◘◘◘
Imbes ibili ng pagkain, load sa selpon ang inuuna.
Ang mga may kaya o mayayaman na sobrang kuripot ay maaaring magkunwaring mahirap!
◘◘◘
Ayaw gastusin ng mga “Ilokano” ang kanilang savings kahit dumanas ng hirap.
Maraming mga magulang ang may salapi na inilalaan sa mga anak na nag-aaral sa kolehiyo at pakiramdam nila ay nagdarahop sila!
◘◘◘
Para sa kanila, ang pagtatapos sa kolehiyo at pagkakaroon ng matatag na trabaho ng kanilang mga anak ang mag-aahon sa kanila mula sa kahirapan.
Pero, may mga tao talagang umaaktong pulubi at nakakakolekta sila ng P1, 000 mula lamang sa pamamalimos, pero sila ay kabilang pa rin sa mahihirap sa pinakamahihirap!
◘◘◘
Kapag ba gusgusin ang ayos at hindi kumakain sa restoran ay maituturing na mahirap kahit may salapi sa alkansiya o bangko?
May mga pamilya na mahirap, pero maligayang nabubuhay kasama ang kanilang mga anak sa ilang liblib na lugar sa bansa!
◘◘◘
Maraming nakatira sa eksklusibong lugar, pero biktima ng broken-family — adik at kriminal ang mga magulang at anak, pero naghihirap din ang kanilang kalooban.
Ano nga ba ang mahirap?
◘◘◘
Ekonomiya, salapi, material ba ang sukatan ng pagiging mahirap?
Paano ang nagtitinda ng fishball at banana cue na walang utang sa Bumbay, pero nabubuhay na masaya sa barung-barong?
Mahirap ba sila?





Comments