top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Maaaring gawin kapag hindi pa nakukuha ang maternity benefit sa SSS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 13, 2019
  • 2 min read

Dear SSS, Magandang araw! Napansin kong mas malaki ang tinatanggap na pensiyon ng mga retiradong government employee kumpara sa mga nasa pribadong sektor. Bakit mas mababa ang pensiyon sa SSS kumpara sa GSIS?Malou ng San Juan City

Sagot

Totoong mababa ang pensiyon na ibinibigay ng SSS kumpara sa natatanggap ng mga kawani ng pamahalaan dahil mas mababa ang kontribusyon sa SSS.

Ang SSS ay idinisenyo ayon sa defined benefit system. Sa ilalim ng sistemang ito, ang SSS ay nagbibigay ng mga benepisyo tulad ng sickness at maternity allowance at pensiyon na kinukuwenta gamit ang bilang ng naihulog na kontribusyon at monthly salary credit o ang salary level kung saan ibinabase ang halaga ng buwanang kontribusyon ng miyembro. Ito ay hindi na nakasalalay sa halaga ng kontribusyon o sa investment earnings ng SSS.

Sa ilalim ng sistema, ang bawat manggagawa na nagiging miyembro ng SSS ay siguradong makatatanggap ng kauukulang benepisyo mula sa SSS.

Ang contribution rate sa SSS ay 11% lamang, samantalang, 21% ang contribution rate sa Government Service Insurance System (GSIS). Kung susuriin natin, halos dalawang beses ang laki ng contribution rate ng nasa pamahalaan kumpara sa mga nasa pribadong sektor. Kahit ikumpara sa mga karatig-bansa natin, higit na mas mababa pa rin ang contribution rate sa SSS.

Mahalagang suriin natin ang pinagbabatayan ng contribution rate o ang monthly salary credit (MSC). Lubhang mas mababa ang MSC sa SSS kaysa sa GSIS. Ang MSC sa SSS ay batay sa 1,000 hanggang 16,000 salary credit, samantalang, ang MSC sa GSIS ay ibinabatay sa kabuuang suweldo ng manggagawa.

Bunga nito, mas malaki ang naihuhulog at naiipon ng mga naglilingkod sa pamahalaan para sa kanilang pagreretiro. Dagdag pa rito, mas mataas ang nakokolektang kontribusyon ng GSIS kaya higit na mas malaki ang benepisyong naibibigay nito.

Kaya upang magkaroon ng mas mataas na pensiyon, dapat mas malaki rin ang naiimpok para sa pagreretiro. Dapat din tandaan na ang kontribusyon sa SSS ay paraan ng sapilitang pag-iimpok at hindi dagdag-gastusin na babalik bilang pensiyon sa panahon ng pagreretiro. Sabi nga sa kasabihan, “kung may isinuksok, may madudukot.”

Nawa’y nasagot natin ang inyong katanungan.

◘◘◘

Nakikiramay po kami sa pamilya ni SS Commissioner Arthur Amansec na pumanaw noong Enero 7, 2019. Isa po siyang malaking kawalan sa SSS.

______________________________________________________________________________

Para sa inyong mga katanungan at problema, sumulat sa BUTI NA LANG MAY SSS, at BULGAR BLDG, 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa "sss.bulgar@gmail.com". Puwede ring magdala ng personal ng mensahe sa ating Facebook page: https://www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page