Utol at pamangkin ni Echegaray, huli sa droga

DINAKIP ang anim na hinihinalang tulak at gumagamit na iligal na droga kabilang ang kapatid at mga pamangkin ng rape convict at nabitay na si Leo Echegaray.
Kasunod ito ng inilunsad na buy-bust operation ng Masambong Police Station sa Bgy. San Antonio alas-12:30 ng hatinggabi kahapon.
Kinilala ni Police Supt. Rodrigo Soriano ang mga naaresto na sina Noel Echegaray, 49, kapatid ni Leo; mga pamangkin na sina Norman, 30, at Jonathan Echegaray, 19; gayundin ang mga kasamahan na sina Maribel Ruxil, 40, at Herbert Juilon, 20, pawang mga residente ng Bgy. San Antonio.
Isang police asset ang nagbigay ng impormasyon sa pulisya tungkol sa umano’y ginagawang pagtutulak at paggamit ng droga ng mga suspek kaya agad na ikinasa ang operasyon laban sa kanila.
Nasamsam ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang drug paraphernalias, 8 sachets ng hinihinalang shabu at P500 buy-bust money.





Comments