top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

P120K PREMYO SA MMTCI

Green Lantern
Jan 12, 2019
2 min read

RENDA at LATIGO

MAY nakalaan na papremyo ang bagong management ng Metro Manila Turf Club Inc.(MMTCI) sa mga kabayong mananalo sa karera sa Metro Turf Malvar-Tanauan City Batangas.

Aalagwa ngayon ang siyam na karera, kasabay ng pag-sponsored ng bagong pamunuan ng MMTCI sa “Additional One Win in Group Races” at ang mananalong kabayo ay may papremyong P120,000.

Sa umpisa ng karera sa Race 1 ng 1:30 p.m. kasabay ng 1St. Winner Take All (WTA) walong kabayo ang maglalaban-laban ang Jade Master, Airborne Magic, Stand In Awe, Great Connection, More Stripes, Ranagant, Nothing to Fear at Bwana Miss.

Sa Race 2, apat na kabayo ang inaasahan na maglalaban-laban ito ay ang Lakan Takhan, Mood Swing, Magtotobetsky at Joyous Solution.

Nakalalamang ang Lady Pio at Avenue Shopper at magbibigay ng magandang laban ang couple enty na Superal at Indian Sky bilang pamoste sa WTA mula sa Race 3. Tatangkain ng White Chocolate na manalo sa Race 4, kasabay ng Pick 6, laban sa mga kalaban na couple entry.

Walong kalahok ang magkakasagupa sa 3 year old and Above Maiden Race at pinapaboran ang Casia Island, Sure Win, at Kid Alecko sa Race 5 ng 2nd Pick 5 event. Mag-uumpisa ang Pick 4 event sa Race 6.

Magsisilbing kalahok ang Toy for the Bigboy at makakalaban ang Kusing, Union Run, Quiet Whisperer at Sail With Gee sa Race 8. Mainam na paratingan ang Garantisado at Hamlet sa Race 9. Race 1- Jade Master (6), Airborne Magic (7) Race 2- Lakan Takhan (6) Mood Swing (7) Race 3- Lady Pio (7) Avenue Shopper (1) Entry No.4 Race 4-

1st WTA(1-7) 6-7/6-7/7/7/2-6/1-3-5/6-7-8 : 2nd WTA(3-9) 7/7/2-6/1-3-5/6-7-8/3-7/2-6: Pick 6(4-9) 7/2-6/1-3-5/6-7-8/3-7/2-6: 1st Pick 5 (2-6) 6-7/7/7/2-6/1-3-5: 2nd Pick 5 (5-9) 2-6/1-3-5/6-7-8/3-7/2-6: Pick 4(6-9) 1-3-5/6-7-8/3-7/2-6

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page