top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Nabulgar, P332 bilyong flood control projects, napunta sa mga lugar na hindi naman binabaha?!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 12, 2019
2 min read

NABULGAR ANG P332 BILYONG FLOOD CONTROL PROJECTS NA IBINIGAY UMANO NI SEC. DIOKNO SA MGA LUGAR NA HINDI NAMAN BINABAHA—Umuusok sa galit sina House Majority Floor Leader, Camarines Sur Rep. Rolando Andaya, Jr. at House Minority Leader, Quezon Rep. Danilo Suarez kay Budget Sec. Benjamin Diokno sa kinasasangkutan umano nitong P332 bilyon “flood control scam.”

Sa isyung ito, hindi lang sina Andaya at Suarez ang dapat magalit kay Sec. Diokno kundi pati ang taumbayan kasi mantakin n’yo, ini-release ng budget secretary ni P-Duterte ang nakapalaking pera ng bayan sa mga kontratistang may konek sa Malacañang na pam-flood control projects daw, pero nabulgar na ang mga lugar na kinaroroonan ng “proyekto” ay lugar na hindi pala binabaha, buwisit!

♦♦♦

IPINAKITA NG MGA KATOLIKO NA NASA DIYOS PA RIN ANG KANILANG PANANAMPALATAYA AT HINDI SA TRAPONG PANGULO — Sa kabila ng mga pag-atake ni P-Duterte sa Diyos na tinawag nitong istupido, minura at ininsulto nang sabihin niyang wala siyang bilib sa Panginoon dahil nagpapako ito sa krus ay dinagsa pa rin ng milyun-milyong deboto ang Traslacion ng Itim na Poong Hesus Nazareno sa Quiapo noong Miyerkules.

‘Ika nga, parang ipinamukha ng mga Katoliko kay P-Duterte na nasa Diyos pa rin ang kanilang pananampalataya at hindi sa trapong (traditional politician) tulad niya, boom!

♦♦♦

ISANG ARAW MATAPOS ANG TRASLACION NG ITIM NA POONG HESUS NAZARENO, UTOS NI P-DUTERTE MGA OBISPO HOLDAPIN AT PATAYIN — Tila hindi nagustuhan ni P-Duterte ang pagdagsa ng milyun-milyong Katoliko na deboto ng Itim na Poong Hesus Nazareno sa Quiapo.

Isang araw kasi matapos ang Traslacion, inutusan umano ni P-Duterte ang mga tambay na holdapin at patayin ang mga Obispo na alagad ng Diyos, susmaryosep!

♦♦♦

MAYOR GUICO, ‘NGANGA’ SA RAKET NI ‘ROSBE’ SA BINALONAN, PANGASINAN — Namamayagpag na rin daw ang raket na color games at drop balls ni “Rosbe” sa Binalonan, Pangasinan.

O, ano Mayor Ramon Guico III, “nganga” ka na lang ba sa panraraket ni “Rosbe” sa mga kababayan mo? Aba, aksiyon na, utusan mo na ang hepe mo na “tokhangin” na si “Rosbe,” dali!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page