Madalas na binabangungot
- BULGAR

- Jan 12, 2019
- 2 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Jennilyn ng Jennilyn_Templanza@ facebook.com
Dear Professor,
Simple lang ang tanong ko, ‘yun ay kung bakit ako madalas bangungutin? Sana, masagot ninyo ito.Maraming salamat!
Naghihintay,
Jennilyn
Sa iyo Jennilyn,
Bagama’t, sinasabing tulog ang tao kapag siya ay binabangungot, may ilang mahahalagang bahagi ng katawan ang hindi nagpapahinga, kumbaga, ito ay gising tulad ng heart, lungs, brain at ang mga parte ng katawan na kung tawagin ay inner organs at muscles. Ito ay nagaganap kahit pa sobrang himbing ng pagkakatulog ng indibidwal.
Habang natutulog, gumagana ang digestive system at tinutunaw nito ang mga kinain natin sa gabi at ang iba pang hindi natunaw sa umaga. Ang pagtunaw sa solid matters ay nangangailangan ng hormone at iba pang chemical tulad ng acid at mismong mga muscle sa digestive system.
Nangyayari ang ganitong proseso na maihahalintulad sa gilingan kung kailan ang solid na bagay ay ginigiling hanggang sa maging liquid form ito.
Kaya ang pagkain sa gilingan ng digestive system ay magiging chemical elements na hihigupin ng mga nerve ng intestine upang pumasok at pakinabangan ng katawan. Ang mga hindi makukuha ng intestine ay magiging bowel at ang iba ay magiging urine. Napakaselan ng pamamaraan ng katawan para ang tao ay mabuhay nang maayos.
Sinasabing bangungot ang nararanasan kapag hindi naging maayos ang takbo ng digestive system habang tinutunaw ang pagkain sa panahon ng pagtulog at ang unang dahilan ay ang maraming kinain o ininom tulad ng alak at ‘yung mga pagkaing maaalat, matatamis at iba pang bagay na napakahirap tunawin. Malaki rin ang epekto ng taong maraming alalahanin, problema at mga bagay na hindi niya magawa-gawa dahil sa pinanghihinaan siya ng loob. Ang mga ito ay nagpapahina rin sa kakayahan na tunawin ang kinain.
Ang sakit o karamdaman na dinaranas ng tao ay nagpapahina rin sa digestive system. Ito ang mga dahilan kung bakit ayon sa iyo ay madalas kang bangungutin. Ano ang dapat mong gawin?
Una, huwag kang kumain ng marami lalo na sa gabi. Iwasan mo rin ang mga pagkaing maaalat, matatamis at matataba, gayundin ang mga inumin na may alcohol content, at ang mga lumang pagkain kahit hindi pa panis ay huwag mo na ring kainin.
Pangalawa, maging positibo ka, ibig sabihin, huwag kang maging maalalahanin, huwag ka rin patatalo sa mga problema at maging matatag ka at huwag kang panghinaan ng loob.
Pangatlo, consult your doctor, para malaman mo kung may sakit ka o mahina ang iyong resistensiya.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo
del Mundo




Comments