KAMANDAG NG SCORPIONS AT COBRAS IPINALASAP VS. PASIG AT ICC SA NCRAA
- BULGAR
- Jan 12, 2019
- 1 min read

KINAILANGAN ng bisitang Centro Escolar University ang overtime para talunin ang Pasig Catholic College, 81-80, at manatiling malinis ang kartada sa pagpapatuloy ng 26th National Capital Region Athletic Association (NCRAA) sa Saint Joseph Gym noong Miyerkoles.
Ginawa ni Rich Guinitaran ang lahat ng 6 puntos ng Scorpions sa overtime upang makamit ang kanilang ikatlong sunod na panalo. Nagtapos ang tubong Pagadian City na si Guinitaran na may 31 puntos at 8 rebound. Tinulungan siya nina Joshua Abastillas na may 19 puntos, 9 rebound at Tyron Chan na may 9 puntos, 12 rebound at 5 assist.
Sa unang laro, mag-isang binuhat ni Jhonard Clarito ang De Ocampo Memorial College sa tagumpay kontra Immaculada Concepcion College, 92-84. Nagpasabog si Clarito ng 31 puntos, 12 rebound, 5 assist, dalawang agaw at apat na tapal para pantayin ng Cobras ang kartada sa 2-2. (A. Servinio)
Comentários