Gustong malaman ang magiging parusa sa nagbebenta ng mga ipinagbabawal na paputok
- BULGAR

- Jan 12, 2019
- 2 min read
Dear Chief Acosta, Magandang araw! Nais kong malaman kung ano ang maaaring maging parusa sa taong nagbebenta ng mga firecracker na ipinagbabawal ng batas tulad ng piccolo at super lolo? —Logan
Dear Logan, Para sa inyong kaalaman, nakasaad sa Republic Act No. 7183 o ang “Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution and Use of Firecrackers and other Pyrotechnic Devices” ang mga uri ng firecracker at ibang pyrotechnic devices na maaaring gamitin. Ang hindi kabilang sa mga nabanggit ay ipinagbabawal tulad ng firecrackers at pyrotechnic devices na nagtataglay ng mapanganib na explosive content.
Nakasaad sa Section 11 ng nasabing batas ang maaaring maging parusa sa paglabag dito:
“Sec. 11. Penalties. — Any person who manufactures, sells, distributes or uses firecrackers and other pyrotechnic devices in violation of the provisions of this Act shall be punished by a fine of not less than Twenty thousand pesos (P20,000) nor more than Thirty thousand pesos (P30,000), or imprisonment of not less than six (6) months nor more than one (1) year, or both such fine and imprisonment, at the discretion of the court in addition to the cancellation of his license and business permit and the confiscation by the Government of his inventory or stock.”
Samakatwid, sang-ayon sa nabanggit, ang maaaring maging parusa sa paglabag sa panuntunan na nakasaad sa Republic Act No. 7183 ay multa o kulong o parehas na multa at kulong at maaari ring matanggalan ng lisensiya at business permit ang sinumang nagbebenta ng mga ipinagbabawal na mga paputok.
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments