Eleksiyon ngayong 2019, panukat sa 2022 Presidential elections

MASALIMUOT ang eleksiyon ngayon.
Ang resulta ay panukat sa 2022 Presidential Elections!
◘◘◘
Maganda ang labanan sa senatorial race.
Kumbaga, patas-patas lang!
◘◘◘
Hindi kasi masasabing liyamado ang mga kandidato ng administrasyon.
Kasi maraming isyu na dapat sagutin!
◘◘◘
Malakas din ang laban ng oposisyon na pinangungunahan ng Liberal Party.
Pero, naiiwanan sila sa survey, sa ngayon!
◘◘◘
Maraming kandidato na masasabing independent-minded na hindi maaaring bansagan na “tuta ng Malacañang” dahil may mga sariling disposisyon.
Hindi maaaring mambraso ang Malacañang para maipanalo ang kanilang tiket dahil malinaw na may kani-kanyang paksiyon ang mga pumapabor kay P-Digong!
◘◘◘
Maging ang oposisyon ay hindi maaaring sabihing solido sapagkat wala silang malinaw na lider na may karisma.
Kumbaga, free-for-all ngayon ang senatorial race!
◘◘◘
Ang magwawagi ay mabibigyan ng kredito sa personal nilang diskarte at kakayahan.
Ibig sabihin, hindi gaanong makatutulong ang parti-partido, bagkus, ang merito ay indibidwal o kani-kanya!
◘◘◘
Nangangahulugang walang “teamwork” na makikita sa mga kandidato, pero siyempre, magkukunwari silang magkakasama o magkakasangga, pero sa aktuwal ay magtatarakan ng “balaraw” sa likuran.
Mauuso at aktuwal na masasaksihan ang trayduran o timbugan sa mga kasama!
◘◘◘
Maselan ang eleksiyong ito, dahil ito ay ang magiging panukat kung sino ang magiging liyamado sa 2019 Midterm Elections.
Ito rin ang susukat kung magiging matatag ang administrasyong Duterte!
◘◘◘
Malalaman din dito kung babagsak mula sa poder si P-Duterte na nayayanig ng iba’t ibang klase ng kontrobersiya—pinakamaselan ang sitwasyon ng kanyang kalusugan.
Hindi gaanong makatutulong si P-Duterte sa mga kandidatong kanyang iendorsohin dahil may problema siya sa kalusugan!
◘◘◘
Maililipat ang responsibilidad kay Mayor Sara kung saan masusukat din ang kanyang liderato at tsansa kung may kakayahang maging pangulo o pangalawang pangulo sa 2022 National Elections.
Sakaling mayorya ng mga kandidato ni Mayor Sara ang magwawagi, tiyak magiging paborito siyang kandidato sa susunod na presidential elections kapalit ng kanyang ama!
◘◘◘
Hanggang ngayon, walang linaw kung magsasanib ang PDP-Laban at Hugpong ng Pagbabago.
Abangan natin kung paano sila kakampanya na tipong magkaribal?





Comments