Drone attack 6 sundalo todas
Jersy Sanchez
Jan 12, 2019
1 min read
BINAWIAN ng buhay ang anim na sundalo matapos ang drone attack sa Yemen government base.
Sumabog ang drone sa ibabaw ng podium ng Al-Anad base sa Southern province ng Lajh.
Ang nasabing pag-atake ay kagagawan umano ng mga rebel Houthi movement.
Kabilang sa nasugatan sina Army Deputy Chief-of-Staff Gen. Saleh al-Zindani at Lahj Governor Ahmed al-Turki.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang mga nasa likod ng pag-atake.





Comments