top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Dahilan ng pagkakaroon ng napakaraming taghiyawat

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 12, 2019
1 min read

Dear Doc. Shane, Ako ay 16 years old, gusto kong malaman kung bakit sa tuwing daratnan ako ng aking buwanang dalaw ay nagkakaroon ako ng maraming taghiyawat? Normal lang ba ito kasi ang iba kong kaibigan ay hindi naman ganito? — Annie

Sagot Ayon sa mga dermatologist, normal lang ang pagkakaroon ng taghiyawat sa babae kapag mayroon itong buwanang dalaw (menstruation) dahil sa pagtaas ng testosterone sa katawan.

Paliwanag nila, sa unang bahagi ng 28 days cycle ng menstruation, ang estrogens ang mataas at progesterone naman sa ikalawang bahagi pero, kapag malapit na ang pagdating ng buwanang “dalaw”, ang antas naman ng testosterone [male hormone] ang tumataas at ito ang dahilan para maging oily ang skin ng babae at nagdudulot ng taghiyawat.

Iwasan lang na kutkutin ang mga taghiyawat, gayundin, pinapayuhang magpakonsulta sa dermatologist upang mabigyan ng mas angkop na payo tungkol sa mga nararapat na ipahid dito para hindi ito lumala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page