top of page
Pokwang.jpg

Sarap baliin ang buto niya, ha?! AKTRES, KABE-BREAK LANG, BINURA AGAD ANG MGA PIKTYUR NG EX SA SOCIA

Nitz Miralles
Jan 11, 2019
1 min read

BLIND ITEM:

HINDI talaga batayan ang matagal na relasyon para sabihing magkakatuluyan na ang magkarelasyon.

Gaya na lamang ng tisay na aktres at BF niya na matagal ang naging relasyon at dumating sa punto na share na sila sa lahat ng bagay, pati sa alagang aso.

Pero ang ending, naghiwalay din ang dalawa. Deleted na ang photos ng lalaki sa social media account ng aktres.

In fairness sa lakaki, may nakikita pa kaming ilang litrato ng ex niya sa socmed account niya, hindi pa niya binubura lahat.

Between the two, mukhang ang aktres ang unang naka-move-on sa breakup nila ng BF. Tila may bago itong boyfriend at ang bagong BF ang kasama sa mga pictures na ipino-post sa socmed.

Tinutukso rin sila ng mga kasama ng aktres na tinata­wanan lang ng babae.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page