Panira raw siya sa buhay ng ex-BF… ANGELICA, IN-UNFOLLOW NA, NILAYUAN PA SI CARLO

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

NAPUNO na ang aktres na si Angelica Panganiban sa pakikialam ng ilang fans sa kanilang pagkakamabutihang muli ng kanyang ex-BF na si Carlo Aquino.
Naging mainit ang pagtanggap ng madlang pipol sa balik-tambalan ng dalawa nang magsama sila sa pelikulang Exes Baggage na idinirek ni Dan Villegas at naging box office hit at kumita ng lagpas P300 million.
Pagkatapos ng kanilang pelikula ay sunud-sunod na ang paglabas ng dalawa at ka-sweet-an na idinidispley sa social media. Ang huli pa nga ay ang pagse-celebrate nila ng Christmas eve nang magkasama, kaya maugong na pinag-usapan na nagkabalikan na nga sila.
Pero, lingid pala sa kaalaman ng aktres ay may issue sa ilang fans ang palagi niyang pagpo-post tungkol kay Carlo, na kung minsan ay nadedehado na raw ang aktor at naba-bash ng ilang fans.
Kaya nu’ng Miyerkules (January 9), ipinost ni Angelica ang komento ng isang netizen na tumawag ng kanyang pansin.
Sey ng basher, “Palagi kang ganyan. Aware ka ba sa impact na nagagawa niyan kay Carlo? Palagi siya ang dehado kakaganyan mo.
“Sarili mo ngang fans bina-bash at hinuhusgahan siya ng walang ebidensiya.
“Grow up Angge. Pag-usapan n’yo ‘yan ni Carlo.
“Huwag mong idaan sa social media lahat. Minsan nakakaduda rin if gaano ka ka-genuine mag-care for Carlo.
“Kung ano ikinadaldal mo, ikinatahimik niya.
“Jusko, para kayong 13-14 ulit. Hoy, 33-34 na kayo.
“Act your age.”
Sinagot ni Angelica ang lahat ng paratang ng netizen at sinabing, “Wow. Sa lahat ng na-offend ko. Sorry. Hindi ko alam na may issue pala kayo sa ‘kin,” panimula ng aktres.
Ito na raw ang huli niyang caption at hindi na siya magsasalita dahil diumano may nasasaktan siya.
Aniya, “From now on, hindi na ‘ko magsasalita. Huling caption ko na po ito. Kasi nakakahiya sa inyong mga nasaktan ko.”
Aminado rin ang aktres na madaldal siya kaya aniya, “Tama ka. Madaldal ako. So, tatahimik na ‘ko. I will act my age po. Sorry po.”
Dahil dito, sinabi ng aktres na hindi na makakarinig ang kanilang mga fans ng kahit anong bagay tungkol kay Carlo, at lalayuan na rin daw niya ang aktor.
“Hindi na kayo makakarinig ng kahit na ano sa ‘kin regarding Carlo. Lalayuan ko na din para hindi na lang ako mahusgahan at hindi na po siya mahirapan sa sinasabi n’yong “impact” na ginagawa ko para madehado po siya. Happy po? Thank you.”
“Sana po maintindihan n’yo at mapatawad n’yo ‘ko. Pagod na din ako sa kanegahan at pakikialam ninyo. Nasaktan na din ako. So, tama na,” pagtatapos ng aktres.
Kapansin-pansin din ang pag-a-unfollow ni Angelica kay Carlo Aquino sa Instagram, ngunit naka-follow pa rin sa kanya si Carlo.
♦♦♦
MAY sunud-sunod na tweets din si Angelica sa kanyang Twitter account kaugnay ng paratang sa kanya ng netizen tungkol kay Carlo.
Ayon kay Angelica, maayos naman ang kanilang relasyon ni Carlo, pero nasisira ito dahil sa mga bashers.
“Maayos naman samahan namin. Sinira n’yo lang. Sana, masaya na kayo,” ang unang tweet ng actress.
Sinundan ito ng, “Sana din, matuwa idol n’yo sa pag-iwas ko sa kanya at malagay siya sa tahimik. Ako pala kasi sumisira sa idol ninyo. Enjoy 2019.”
Kahapon (January 10) nang madaling-araw, nag-iwan din ng madramang mensahe ang aktres sa kanyang Twitter account na mukhang ipinaparamdam na nasaktan siya sa desisyong gagawin — ang dumistansiya kay Carlo.
Aniya, “Saan ba ‘ko nagkulang? Pinapasok ko naman kayo sa buhay ko. Bakit kayo nananakit?
“Didistansiya lang naman. Nababahiran na kasi ng ka-showbiz-an. Para sa ikakabuti na din ng lahat.”
Samantala, pinasalamatan naman ni Angelica ang mga fans na nakaintindi at dumamay sa kanya.
Aniya, “Salamat. Salamat sa lakas ng loob sa panahong kinakailangan.
“Tao lang din ako. May pangangailangan din. Kaya. Salamat.”
Makahulugan din ang huling tweet ng aktres patungkol sa isyu.
Aniya, “Ano’ng pinagkaiba ng bullies sa bashers? Gusto ko malaman. Para makatulog na ‘ko... may trabaho na ‘ko in a while, eh...





Comments