top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Mga pulis, good job sa maayos at mapayapang Traslacion

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 11, 2019
2 min read

MAAYOS at mapayapang nairaos ang Pista ng Itim na Poong Nazareno.

Salamat sa Diyos, salamat din sa mga pulis!

◘◘◘

NAGSIMBA tayo sa Quiapo Church at kitang-kita natin ang presensiya ng mga pulis sa bisinidad ng Quiapo.

Ngayon lang nagkaroon ng ganyang presensiya na talagang hindi makapoporma ang sinumang terorista!

◘◘◘

KAPAG nagkagitgitan, aktuwal na pumapagitna ang mga batang pulis at pinoprotektahan ang mga paslit at matatanda.

Gumagawa sila ng paraan sa maayos na daloy ng mga deboto.

Lutang na lutang dito ang papel na ginampanan ng NCRPO!

◘◘◘

SA pinakahuling survey, napakataas ang grado ni P-Digong sa Metro Manila.

Tradisyunal na oposisyon ang Metro Manila, palaging kumokontra ito sa nakaupo sa Malacañang.

Pero, ngayon suportado ng Kamaynilaan ang pangulo ng bansa!

◘◘◘

SA isang tanong sa survey, aktuwal na mataas ang grado ni P-Digong sa peace and order.

Kasi natanggal nila ang kono­tas­yong “isnatser” sa Quiapo!

◘◘◘

NAGLAHO na rin ang ulat ng holdaper sa dyip, bus at taxi. Nagsipagtago na ang mga adik na kriminal.

Dati takot ang tao sa kriminal, ngayon takot ang kriminal sa tao.

Kasi may “paglalagyan” na sila!

◘◘◘

SA buong Metro Manila, damang-dama ng mamamayan ang pagbabago sa peace and order, nangawala ang mga kawatan.

Kasi alam nila bubulagta sila kapag “nainguso” sila!

◘◘◘

NAWALA na rin ang mga pulis na nag-aalaga ng mga mandurukot at holdaper, partikular sa Lawton na “Tata” koda ng protektor.

Pabalik-balik sa karsel ang mga isnatser sa Lawton at alaga sila ng ilang parak.

Maaaring “natumba” na rin ang mga pulis na nag-aalaga ng mga kawatan!

◘◘◘

GANYAN din sa droga, nagmumula ang epekto mula mismo sa “ninja cops” at maaaring naubos na sila o nanahimik muna.

Sa ilalim ng tandem nina PNP Chief Oscar Albayalde at NCRPO Chief General Guillermo Eleazar, agad na sinisibak ang mga iskalawag na pulis.

Marami na ring “napatay” na pulis na karaniwang sangkot sa krimen!

◘◘◘

HINDI lang mga kriminal ang bumubulagta kundi maging ang mga pulis na sangkot sa krimen.

Ang mga sitwasyong ito ay ang dahilan kaya bilib ang mayorya ng mamamayan kay P-Digong!

◘◘◘

PERO, naipatupad ni P-Digong ang kanyang ipinangakong platapor­ma dahil sa mahusay na performance ng kanyang pinagkatiwalaang mga pulis.

Ang iskor ni P-Digong sa Metro Manila ay aktuwal na utang niya sa mga responsableng parak sa Kamaynilaan, partikular sa NCRPO operatives!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page