top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Marami raw pera, P-Duterte sa mga tambay | MGA OBISPO, HOLDAPIN AT PATAYIN N‘YO!

  • Mylene Alfonso
  • Jan 11, 2019
  • 1 min read

HINIKAYAT ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang mga tambay na holdapin umano ang mga Obispo kapag dumaan sa kanilang lugar dahil marami umanong pera ang mga ito.

Tinawag pa ni Pangulong Duterte na inutil ang mga Obispo at hinimok na pata­yin sila.

“Pero kung magharap ka doon sa nagsisimba, “Ah iyan si Duterte demonyo, de­monic possession ganu’n.” Tapos siya pagsabi pa ng ostiya ganon, “Sana mama­tay na ‘yan siya.” Buang itong ma…” ani Duterte sa kanyang talumpati sa ka­arawan ni Masbate Gover­nor Antonio Kho.

“Kaya pagdating ko sabi ko, “Hoy, kayong mga tambay diyan, ‘pag dumaan ‘yang Obispo ninyo hol­dapin ‘yan maraming pera ‘yan p***** i** niya.” Patayin mo. Galit sa akin ‘yung sige’g yaw­yaw,” dagdag ng pangulo.

Ayon pa sa Punong-Ehe­kutibo, wala umanong ma­kapipigil sa kanya at sasa­bihin niya ang mga salita na gusto niyang bitawan sa publiko, partikular na sa isang pari na una nang nagpahayag sa misa na nagdasal na ma­matay na siya.

“Kayo ang nag-una. Wala ako, basta trabaho. Sabi ko may trabaho ako. Gawin ko, ginusto mo man o hindi, wala akong paki­alam. Basta ako nag­bitaw ako ng salita sa publiko, ga­gawin ko ‘yan. Wala akong pakialam sa inyo,” bahagi pa ng talumpati ng pangulo.

“Tapos ngayon kung mamatay daw ako nag-holy mass, ha, sacrament of mass. Nagdasal pa na ma­matay ako. Sabi ko, “Pa­tayin mo ‘yan lahat Obispo diyan. Mga inutil ‘yan.” Totoo,” dagdag pa ng Chief Executive.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page