Magsasaka niratrat ng mga armado
Pabs Hernandez III
Jan 11, 2019
1 min read
ABRA—Isang magsasaka ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga hindi kilalang armadong salarin, kamakalawa sa Bgy. Gapang, Pilar sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Modesto Carsola, Sr., nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, habang nagsasaka sa bukid si Carsola ay dumating ang mga suspek at sa hindi malamang dahilan ay pinagbabaril hanggang sa mapatay ang biktima.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang mga suspek.





Comments