Kaugnay ng $81-M nakaw na pera | RCBC MANAGER, GUILTY!

HINATULANG guilty ng Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 149 sa kasong money laundering si dating RCBC-Jupiter Branch Manager Maia Santos-Deguito.
May kaugnayan ito sa $81 million na nakaw na salapi mula sa Bangladesh Bank na idinaan sa RCBC Jupiter Branch.
Partikular ang over-the-counter withdrawal ng $14.3 million na bahagi ng $81 million na laundered fund.
Sa 26 pahinang desisyon na pirmado ni Judge Cesar Untalan, nakasaad na may sapat na basehan para idiin sa kaso ni Deguito sa walong counts ng money laundering na isinampa ng Department of Justice (DoJ).
Pinatawan ng apat hanggang pitong taong pagkakakulong si Deguito at multang $109,520,044.
Matatandaang, una nang naabsuwelto sa kasong kriminal ang Philrem Service Corp. at dahil dito, tanging si Deguito na lamang ang natitirang akusado sa naturang kaso.
February 16, 2016 nang ma-hack ang Bangladesh Bank at ang $81 million na pondo nito ay napunta sa Pilipinas sa pamamagitan ng payment instruction na natanggap ng Federal Reserve Bank of New York.





Comments