top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Foremen niratrat, todas

Levi Gonzales
Jan 11, 2019
1 min read

APAT na tama ng bala ng cal.45 ang tumapos sa buhay ng isang foremen matapos pagbabarilin sa Bgy. Guma­mela, Balayan, Batangas.

Alas-12:10 ng tanghali, habang nasa canteen malapit sa kanyang pinapasukang trabaho ang biktimang si Domingo Acidera, 45, may asawa, ng Bgy. Navotas, kasa­ma ang kanyang mga tauhan nang biglang lapitan at pagba­barilin ng dalawang suspek.

Agad siyang isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ngunit, idineklara itong dead-on-arrival. Nagsasagawa na ng malalimang imbestigas­yon ang awtoridad sa krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page