4 milyong deboto dumagsa sa Traslacion 2019

AABOT sa mahigit 4 milyong deboto ang lumahok sa Traslacion 2019 na tumagal ng 21 oras at pitong minuto bago naipasok sa Minor Basilica.
Ayon kay Manila Police District Director PS/Supt. Vicente Danao, Jr., sa pangkalahatan ay naging mapayapa at maayos ang ginanap na Traslacion.
Alas-2:21 ng madaling-araw nang maipasok ang imahen ng Poong Itim na Nazareno sa Simbahan.
Ipinagmalaki nina General Danao at NCRPO Director General Guillermo Eleazar na walang namatay sa naganap na Traslacion.
Gayunman, inabot ng mahigit 1,000 katao ang binigyan ng paunang lunas ng Philippine Red Cross (PRC) matapos mahilo, mahirapan huminga, tumaas ang blood pressure at masugatan.
Alas-6:30 ng umaga nang humupa na ang mga deboto kung saan nasa 500 katao ang naiwan para dumalo sa misa.





Comments