2019 INTERNATIONAL GAMEFOWL FESTIVAL UMPISA NA SA SMX


MAGSISIMULA na ngayong araw ang pinakahihintay na 2019 International Gamefowl Festival, tinaguriang pinaka-exciting na gamefowl festival ng taon sa SMX Convention Center, Mall of Asia Complex at magpapatuloy bukas Sabado at sa araw ng Linggo, tampok ang mga pinakasikat at pinakamatagumpay na mga nagpapalahi ng manok-pnabong sa Pilipinas sa pangunguna ni Engr. Sonny Lagon ng Blue Blade Gamefarm.
Tampok ang Grand Festival for Gamefowl Auction, Pigeon Pavillon, Bitawang Bayan, daily raffle at daily variety shows, ang 2019 International Gamefowl Festival ay inaasahan na durumugin ng libu-libong sabungero sa bawat araw nito, na mag-uunahan upang sila ang unang makapili sa maraming klase ng mga palahing manok na maaaring mabili mula sa pinakamagagagaling na gamefowl breeders ng bansa.
Dakong 10 a.m. ang opening at tatakbo hanggang 6 p.m. Ang mga nakahandang booth para sa mga bisita ay ang 3K Gaffing Igan Peruvian, 482 Gamefarm, A. Flores Gamefarm, A. C. Ang Enterprises, AEJ Gamefarm, Akimiko Kaibigan Mar. Alan Syiaco, Alesko Gamefarm, All Angles Media Corp at marami pang iba. (MC)





Comments