WURTZBACH, CUNETA AT VALDEZ MUSES SA 44TH PBA CUP OPENING
- Alvin Olivar
- Jan 10, 2019
- 1 min read

PINANGUNGUNAHAN ni Pia Wurtzbach, Alyssa Valdez, at Sharon Cuneta ang muses sa darating na opening ng 44th PBA season na gagawin sa Linggo sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Si Wurtzbach, ang Miss Universe noong 2015 ay kinuha ng Barangay Ginebra bilang muse para sa parada sa opening ceremony, habang si Valdez, isa sa mga magagaling na volleyball player sa Pilipinas at girlfriend ng basketbolistang si Kiefer Ravena ay magsisilbing muse ng NLEX.
Samantala, kinuha ng Magnolia Hotshots Pambansang Manok ang kanilang endorser na si Cuneta bilang muse sa darating na opening ceremony. Magiging muse din sa opening ceremony ng liga si Bb. Pilipinas Globe 2018 at volleyball player Michele Gumabao at national swimming team member na si Jasmine Alkhaldi na magsasanib-puwersa sa Blackwater Elite.
Muse ng San Miguel Beer para sa darating na opening si Bb. Pilipinas International 2016 Kylie Verzosa habang napili bilang muse ng Phoenix ang artistang si Yam Concepcion.
Napili si Klea Pineda ng Alaska na maging muse sa opening ceremony. Naghahanap pa ng muse ang iba pang teams katulad ng TNT, Meralco, NorthPort, Rain or Shine, at Columbian.





Comments