PILIPINAS 3X3 PREXY CUP, ABANGERS ANG 12 TEAMS
- BULGAR

- Jan 10, 2019
- 1 min read

LABANAN ng ex-PBA players at collegiate standouts ang matutunghayan sa darating na 2019 Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 President’s Cup. Ganito ang lumabas pagkaraang ipakilala ang partial line-up ng sampu sa 12 pioneering teams ng unang 3x3 basketball league sa bansa sa isinagawang photoshoot ng ESPN5 noong Martes sa Gold’s Gym sa Mandaluyong City.
Pinamumunuan ng Bataan Risers na kinuha sina University of the East topgun Alvin Pasaol at Ateneo playmaker Anton Asistio kasama sina Sean Manganti ng Adamson at De La Salle Green Archer Santi Santillan para katawanin ang kanilang koponan. Para sa Manila Stars, maglalaro ayon kay team owner Roman Ang sina ex-PBA Ronjay Buenafe, Carlo Lastimosa at Gabby Espinas.
Itinalaga na kapitan ng Quezon City-Zark’s Jawbreakers si ex-Green Archer Kib Montalbo habang pamumunuan ang bagong buong club team na Pasig-Grindhouse Kings nina Filipino-Americans Joshua Munzon at Taylor Statham.
Kabilang din sa mga dumalo sa photoshoot at tiyak ng lalaro sina Paolo Hubalde ng Valenzuela Classic; Mike Ayonayon at Larry Muyang ng Go for Gold-San Juan Knights; Gab Banal at Matthew Aquino ng Bacoor Strikers; Jondan Salvador ng Marikina Shoemasters at Jay-R Taganas ng Bulacan Kuyas. Walang kinatawan ang teams mula Cebu at Davao Occidental dahil kinukumpleto pa nila ang kani-kanilang roster.
“Definitely I was surprised with the quality of players we have attracted,” pahayag ni Chooks-to-Go president Ronald Mascariñas “With this, we are expecting very close games in every leg of the President’s Cup. I would like to thank the team owners for going all-out this conference. For my part, I promise that the next conferences will be bigger,” dagdag nito. (VA)





Comments