Pahiwatig na maraming pangangailangan sa buhay

Salaminin natin ang panaginip ni Eveguene ng Eveguene_Feli@ facebook.com
Dear Professor,
Palagi akong nananaginip na may buhat-buhat daw akong baby. Tapos, unggoy na may pakpak at may katabi siyang lion na kulay orange.
Sumunod na araw ay nakasakay daw kami sa bus kasama ang parents ko, bumaba raw ang mommy ko sa kanto, tapos ‘yung daddy ko ay sasamahan daw ako kung saan ako bababa, pero ayoko raw dahil maglalayas ako.
Mayroon din akong napanaginipan na puno na hitik sa bunga. Ano ang ibig sabihin nito?
Naghihintay,
Eveguene
Sa iyo Eveguene,
Ang sabi ng mga eksperto, mayroong basic needs ang tao para mabuhay tulad ng pagkain, damit, bahay at iba pa, pero sa totoo lang, hindi sapat ang mga ito para sumaya tayo.
Subalit, ano ang sabi ng panaginip para sa iyo?
1. Kailangan mo ng bagong pangarap dahil ito ay sinisimbolo ng batang buhat-buhat mo sa panaginip. Mahalaga sa tao ang magkaroon ng bagong pangarap o gustong gawin dahil ito mismo ang magpapasigla sa kanya. Bukod pa rito, magsisilbi itong inspirasyon para harapin mo ang buhay sa mundo.
2. Kailangan mo rin ang harot! Oo, harot dahil hindi sapat ang tinatawag na “basic needs” ng tao para sumaya ka. Kaya, lagyan mo ng harot ang buhay mo, sure na sure na ikaw ay sobrang sasaya. Ito ang ibig sabihin ng unggoy na may pakpak.
3. Kailangan mo ang tapang dahil napanaginipan mo ang lion na kulay orange.
4. Kailangan mo ang mga ito para hindi mo matakasan ang buhay mo ngayon sa mundo. Kaya ang sunod na payo ay harapin mo ang mga hamon ng iyong kapalaran at huwag mo itong iiwasan. Ito ay para sa pinaplano mong maglayas.
May iba ka pa bang kailangan? Oo, mayroon at ito ay ang espesyal na kailangan ng tao na hindi isinasama sa “basic needs”.
Ito ay ang “sexual needs” kung saan madalas, hindi ito binabanggit na kabilang sa "basic needs" ng tao, pero hindi naman puwede na wala ito sa buhay ng lahat. Mahirap paniwalaan, pero ang lahat ng sikolohista ay nagsasabing, kadalasan ang pinagmumulan ng mga pangit na pangyayari sa buhay ng tao tulad ng kamalasan o pagpangit ng kapalaran, sakuna, aksidente at sakit ay dahil sa unsatisfactory sex life.
Tulad ng nasabi na, puwedeng hindi ito paniwalaan ng tao, pero ang mas madaling paniwalaan, kapag masaya ang sex life, masaya ang takbo ng buhay mo.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo
del Mundo





Comments