top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

MGA MATA NG MANUNUMBOK POKUS SA BILYARISTANG PINOY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 10, 2019
  • 1 min read

MAINIT ang mga mata ng mga manu­numbok mula sa iba’t-ibang mga bansa sa Pinoy cue artists tulad nina Francisco “Djang­go” Bustamante, Roberto “Superman” Gomez, Alex “The Lion” Pagulayan, Dennis “Robocop” Orcullo at Lee Van Corteza na lalahok simula sa Enero 25 sa 2019 Derby City Classic (DCC) dahil sa nakalipas na limang taon ay puro mga kinatawan ng lahing kayumanggi ang dumodomina sa paligsahang nasasaksihan sa Southern Indiana.

Taong 2014 at 2017 ay ang bilyarista mula sa Surigao na si Orcullo ang naging pangka­lahatang kampeon.

Hindi naman nawala sa eksena ang tubong Isabela na si Pagulayan at noong 2015 at 2016 ay siyang namayagpag. Sa nakalipas na edisyon noong 2018, itinang­hal na DCC Master of the Table ang alamat ng Tarlac na si Francisco “Django” Busta­mante.

Bukod sa overall diadems, sa isang Pinoy din napupunta ang korona ng ilan sa mga events na bahagi ng malupit ngunit kapana-panabik na paligsahan. Nung 2018 DCC Bigfoot 10-Ball Challenge, itinanghal na hari si Gomez samantalang si Bustamante ang kuminang sa DCC One Pocket.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page