top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Kung ilang araw ang ibinibigay ng batas para makasagot sa small claims case

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 10, 2019
2 min read

Dear Chief Acosta,

Hindi ako nakapagbayad ng utang sa halagang P50, 000. Dahil dito, nakatanggap ako ng summons na nagsasabing nakasuhan ako ng small claims case. Nais kong malaman kung ilang araw ang ibinibigay sa akin ng batas upang makasagot hinggil sa mga paratang sa akin? — Helen

Dear Helen,

Para sa inyong kaalaman, ang batas na sumasaklaw sa sitwasyon na inyong inilahad ay ang Section 13 ng A.M. No. 08-8-7-SC, na mas kilala bilang “The Revised Rules of Procedure for Small Claims Cases” kung saan nakasaad:

"Section 13. Response. - The defendant shall file with the court and serve on the plaintiff a duly accomplished and verified response within a non-extendible period of ten (10) days from receipt of summons. The response shall be accompanied by certified photocopies of documents, as well as affidavits of witnesses and other evidence in support thereof. No evidence shall be allowed during the hearing which was not attached to or submitted together with the response, unless good cause is shown for the admission of additional evidence.” (Binigyang-diin)

Ibig sabihin, ang nasasakdal sa small claims case ay nararapat na mag-file sa korte at maghain sa nagsakdal ng kanyang verified response sa loob ng hindi mapalalawig na panahon ng sampung (10) araw mula sa pagkatanggap ng summons. Kaakibat ng response ang mga certified photocopy ng mga dokumento maging ang mga salaysay ng mga saksi at iba pang mga ebidensiya na sumusuporta rito. Walang katibayan ang pahihintulutan na maihain sa panahon ng pagdinig na hindi nakalakip o isinumite kasama ang nasabing kasagutan, maliban kung makapagpapakita ng magandang dahilan para sa paghahain ng karagdagang katibayan.

Sa inyong sitwasyon, bilang nasasakdal sa small claims case, binibigyan kayo ng batas ng hindi mapalalawig na panahon ng sampung (10) araw mula sa pagkatanggap ng summons upang mag-file sa korte at maghain sa nagsakdal ng verified response kaakibat ang mga certified photocopy ng mga dokumento, maging ang mga salaysay ng mga saksi at iba pang mga ebidensiya na sumusuporta rito base sa nabanggit na probisyon.

Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormas­yong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page