Japan niyanig ng magnitude 6.4
- Jersy Sanchez
- Jan 10, 2019
- 1 min read
MAGNITUDE 6.4 na lindol ang yumanig sa Japan.
Naganap ang pagyanig 10 milya sa Lungsod ng Nishinoomote sa isla ng Tanegashima sa Kagoshima.
Ayon sa U.S. Geological Survey (USGS), ang episentro ng lindol ay naitala sa 49 milya ng Ibusuki at 55 milya ng Kanoya, gayundin may lalim itong 22 milya.
Naramdaman sa kalapit na lugar ang pagyanig.
Walang naitalang pinsala sa insidente habang hindi naglabas ng tsunami warning ang awtoridad.





Comments