Epal na kandidato, huwag iboto, plis lang!


NAKITA n’yo na ba ‘yung mga galawang epal ng mga pulitiko?
‘Yung pictures ng kandidato sa wallclock, sa balde pati sa prutas? Eh, ‘yung pangalan ng konsehal sa panty, ‘di ba, grabe? Dagdag pa ‘yung mga tarpaulin na kung saan-saan nakakalat, ang sakit sa mata!
Siyempre, hindi pahuhuli ‘yung mas makakapal ang mukha at bulsa! Naglilitanya sa T.V. na akala mo napakaamong tupa.
Kapag nakauto na ng mga botante, hindi mo na makikita at sa susunod na halalan na ulit magpaparamdam, ang tindi!
Kaya maging maingat sa pagkilatis. Ilang eleksiyon na rin ang dumaan, siguro naman kilala na natin kung sino ang mga trapo.
Kung hindi nila kayang sumunod sa batas ng eleksiyon, bilang mga botante tayo na ang humatol. Kung ayaw nilang igalang ang demokrasya, tayo ang magpamukha na wala silang silbi sa bayan kundi kahihiyan.
Sa ngayon, puwede pa natin silang tawanan sa kung anu-anong kaepalan na pinaggagagawa nila, hayaan natin silang mag-ubos ng pera habang nagmumukhang tanga pero, bago ang bilangan, seryoso na.





Comments