Dagdag-sahod sa gobyerno, tuloy

PUWEDE na umanong ibigay ng Department of Budget and Management (DBM) ang umento ng mga kawani ng gobyerno kahit hindi pa batas ang National Budget dahil may magagamit naman umanong pera para rito.
Kaugnay nito, ipinatitigil ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang Malacañang sa pagsangkalan sa umento ng mga kawani ng gobyerno para apurahin ng Kongreso ang panukalang Pambansang Badyet ngayong 2019.
Ayon sa senador, maaari umanong makuha ng DBM sa re-enacted ng 2018 National Budget at sa miscellaneous and Personnel Benefit Fund (MPBF)
Magagamit din umanong batayan sa pagbibigay ng umento ang resolusyon ng Kongreso na nilagdaan noon ni dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III na para sa umento na hinati sa apat na taon, pinakahuli ngayong 2019.
Giit pa ng senador, hindi umano puwedeng basta aprubahan ng Senado ang panukalang badyet dahil marami itong dapat busisiin lalo na ngayong may kontrobersiya rito.





Comments