top of page
Pokwang.jpg

Balikbayan box na ipinadala, imbes pamilya ni lola ang makinabang, ninakaw pa!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 10, 2019
2 min read

INIREKLAMO ng babaeng senior citizen ang pagkawala ng ilan niyang gamit na na­kalagay umano sa balikbayan box na dumating sa bansa mula sa Texas sa Estados Unidos.

Nagpakilala ang biktima na si Nanay Ne­nita Ramillano at aniya sa tulong ng kanyang mga anak ay nalagyan umano nila ng laman ang balikbayan box, pagkatapos ay gan’un na lamang kabilis na mawawala ang maha­halagang bagay na sana sila ang makikina­bang.

Gayunman, tatlong buwang nagbakas­­yon si Nanay Nenita sa Texas at noong Agosto 2018 niya ipinadala ang naipong mga gamit kung saan Disyembre 2018 ito dumating sa ‘Pinas, ngunit, kulang-kulang at pipi ang kahon nito kaya dismayado at kinailangan ta­laga niyang magreklamo, ‘yun nga lang ang courier servi­ces na pinagpadalahan niya ay paulit-ulit la­mang ang tugon at hindi sinuso­lusyunan ang nangyaring insidente.

Sa ngayon, bagama’t, nangakong ire-re­fund ang halaga ng mga nawalang bagay mula sa balikbayan box ng courier services, hindi na­tin mapalalagpas ang mga ganitong pang­yayari dahil matatandaang, ilang beses na itong naulit, pero hindi pa rin natitigil at lalo pa itong lumalala.

Nakalulungkot dahil maraming OFWs na ang biktima rin ng ganito at palagi na lang gi­nagawang solusyon ay ‘yung babayaran o papalitan nila ang halaga ng mga gamit na nawala.

Kumbaga sa butas, palagi na lamang ti­natapalan at hindi pinapalitan at ito marahil ang dahilan kung bakit hindi ito matuldok-tuldukan!

Kaya ang panawagan natin sa mga taong responsable sa mga ganitong insidente, huwag tayong magbulag-bulagan na maliit na prob­lema lang ito dahil kung tutuusin, ang mga taong nasa likod ng pagnanakaw at panloloko ay mapabibilang na rin sa mga salot sa lipu­nan na isa sa mga dahilan kung bakit ang bansa ay hindi umaasenso.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page